THIS Buwan ng Wika: Mga Laro’t Musika
- Hiraya Publication
- Dec 24, 2024
- 2 min read
Updated: Apr 16
Anja Cordero, Thirdy Pleyto & Vee Dee
DECEMBER 24, 2024

Mga estudyante ng hayskul na naglalaro ng “Limbo”.
(File photo)
Noong Ika-30 ng Agosto, ipinagdiwang ng mga estudyante at guro ng Temple Hill ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng kantahan, sayawan at tugtugan.
MGA LARONG PINOY
Pinangunahan ni Ginoong Jojo, guro sa Filipino, ang mga larong Pinoy. Nahati ang mga estudyante sa apat na grupo—asul, pula, puti, at dilaw— para sa mga larong Pilipino tulad ng "Limbo Rack", "Piko”, “Syato”, at “Teks”. Ang mga larong ito ay nagpakita ng pagkakaisa at pagkakaibigan ng komunidad.
Sa larong "Limbo Rack," sinubukan ng mga manlalaro na dumaan sa ilalim ng isang patpat nang hindi ito dumidikit sa anumang parte ng katawan. Sa "Piko" naman, kinailangan ng mga kalahok na tumalon sa mga kahon na iginuhit sa lupa nang hindi naaapakan ang mga linya.
Sa “Syato”, kailangan ng mga kalahok ng dalawang patpat na magkaiba ang sukat, na tinatamaan ng manlalaro para makuha ng punto. Ang “Teks” naman ay isang laro na may maliit na baraha na may disenyo ng cartoon at anime characters na pinipitik at pinupusta ng mga manlalaro.
MGA PAGTATANGHAL
Naganap ang isang espesyal na programa kung saan nagtanghal ang mga piling estudyante mula sa elementarya at hayskul. Ang mga mag-aaral ay umawit ng mga sikat na awiting Pilipino tulad ng "Anak," "Kailan," at "Kahit Panaginip Lang." Ang rondalla at ang MAKE (Mallet Art Kids Ensemble) ay nagbigay ng mga iba't ibang tugtugin.
Ayon kay Binibining Isis, guro sa kasaysayan, "Natuwa ako sa pagtatanghaal ng mga mag aaral." Dagdag pa niya ay napakaswerte ng mag-aaral na mayroon silang mga pagkakataon na maipakita ang mga talento.

Gavin Singson ng MAKE nagtatanghal ng Marimba.
(File photo)
Ibinahagi naman ni Annika Cordero, isang estudyante mula sa Grade 8, ang kanyang kasiyahan sa mga pagtatanghal lalo na’t karamihan ng manananghal ay kanyang kaibigan.






